Dating alkalde sa Ilocos Norte, ******** matapos masamsam ang ilang armas sa farm house

Image capture from GMA News video

MAYNILA, Pilipinas – Naaresto ang isang dating alkalde at kaniyang mga tauhan sa Ilocos Norte matapos madiskubre ang ilang armas sa loob ng kanyang farm nitong Huwebes.

Kinilala ang naaresto na si  Dolores Clemente, dating mayor ng bayan ng Paoay. Kasama ring pinosasan ng mga awtoridad ang lima sa kanyang mga tauhan matapos umanong tangkaing pigilan ang mga pulis na pumasok sa kanilang compound sa Barangay San Roque ng nasabing bayan.

Ayon kay Chief Insp. Grandeur Tangonan, hepe ng Paoay Police, mayroon silang dalang search warrant nang puntahan ang farm house ni Clemente subalit ayaw umano silang papasukin ng mga tauhan nito.

Nakatanggap din daw sila na mayroong mga gun-for-hire sa lugar.

Nasamsam mula sa ginawang raid ang isang M16 rifle (Ghalil); isang M16 rifle (Colt; isang caliber 380 Berreta; isang .45 caliber pistol; dalawang 12-gauge shotgun; at isang magazine assembly ng M14 rifle.

Lahat umano ng mga baril ay pawang kargado ng bala. Nakuha rin sa coumpound ang 3 holster ng mga pistol; 1 gun case ng Berreta; at iba’t ibang klase ng ammunition.

Iginiit naman ni Clemente na pawang lisensiyado ang mga armas at ilan sa mga ito ay nakapangalan pa sa kanyang yumaong asawa.

Sa kasalukuyan ay naka-hospital arrest na ang dating mayor matapos tumaas ang blood pressure nito dahil sa nangyari.

Nakatakda naman siyang sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Loading...