Dating teen star Snooky: Young stars ngayon, mas daring sa harap man o sa likod ng kamera

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @samerulesapply_xo at @ronleonor

Bilang nagsimula sa pagiging child star hanggang maging teen star at hanggang ngayon na artista pa rin, ikinumpara ng aktres na si Snooky Serna ang mga kabataang artista ngayon sa kanila noon.

Ayon sa PEP, base sa obserbasyon ni Serna, mas daring ang mga kabataang artista ngayon sa harap man ng kamera o sa personal na buhay.

“I think in general, even yung approach nila sa buhay, iba. Kasi noon, masyado kaming timid, shy, nakahawak kami sa palda ng mga mommies namin. Para bang we were so afraid to take risks, hindi kami masyadong risk-takers. Ngayon talaga ang mga millennials, masa-shock ka sa kanila. ‘Yung talagang kung ano ang ipagawa sa eksena, kiss kung kiss! Daring kung daring, ‘yung ganun,” saad ni Serna.

Young Snooky Serna #philippinecinema #snookyserna

A post shared by Dominique Domingo (@samerulesapply_xo) on

Kabilang si Snooky sa pelikulang The Significant Other, kung saan may pumping scene sina Lovi Poe at Tom Rodriguez. Hindi pa raw masambit ng dating Regal baby ang salitang “pumping.”

“Ayokong sabihin ‘yong word, ano? P kung P! Even that word, hindi ko masabi. I mean, I don’t wanna sound like a hypocrite, I was married before, but then, hindi ako nakagawa ng ganun. Sa amin, ang pinakaseksi na no’n, ‘yong literally nag-kiss kayo in bed, ‘tapos ‘yong daya na naka-tube kami. Nakakumot na gano’n, iyon na ang pinaka-love scene namin. Pero ‘yong mga ungul-ungol, mga pumping-pumping, ayyy!” wika niya.

Ang pinaka-daring daw niyang ginawa ay sumayaw nang naka-negligee bilang isang battered wife.

Gayunman, ipinaliwanag ni Serna na hindi niya sinasabi ito upang hindi igalang ang kasalukuyang artista. Nirerespeto pa rin daw niya ang mga ito.

“I respect their… kanya-kanyang… to each his own ‘yan e. Iyan ang kanilang opinion, at saka smart naman sila e. They know what they’re getting into, tinatanong naman nila, matanong sila ngayon e. Hindi sila ‘yung basta oo lang nang oo. On the contrary, they ask, they inquire. They’re very inquisitive, ‘Para saan itong eksenang ito? And if they deem, especially si Lovi and Erich [Gonzales], first time we worked together… matanong. And so I’m sure na ‘yung mga loves scenes, nabigyan naman ng justification sa kanila. Kinailangan sa eksena kaya go naman ang mga bata,” paliwanag niya.

Samantala, sa isang panayam ay sinabi ni Serna na ayaw niyang mag-artista ang kanyang mga anak:

Source :

PEP, YouTube, Instagram, IG

Loading...