Deadline para sa 3rd telco inurong ng DICT sa buwan ng Mayo

Imahe mula sa DICT

Dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan, ang deadline para sa pagpasok sa bansa 3rd telecommunications company ay nabago.

Mula sa orihinal na Marso, ang deadline ng bid submissions ng mga interesadong kumpanya ay naiurong sa ika-18 ng Mayo.

Ayo sa Unbox PH, sinabi umano ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Officer-in-Charge na si Eliseo Rio na ang mga kumpanyang nais maging 3rd telco sa bansa na mismo ang humingi ng extension dahil hindi  umano realistic ang March deadline.

Sinabi umano ng mga interesadong kumpanya na kakailanganin nila ng mas maraming panahon upang makagawa ng competitive proposal. Hindi umano kakayanin sa maiksing panahon ang magtatag ng consortium na kayang mamuhunan ng bilyon-bilyong piso upang makipagkumpitensiya sa mga incumbent telcos.

Dagdag pa ni Rio, kung ipagpipilitan ang March deadline ay maaaring walang makapagsumite ng bid.

Ang LG Uplus Corp. ng South Korea, KDDI ng Japan at hindi pinangalanang Taiwanese telecom firm ang mga nagpakita ng interes bilang 3rd telco ng bansa. Nauna nang napaulat na ang China Telecom ang posibleng maging 3rd telco sa bansa na siyang bubuwag sa duopoly ng PLDT, Inc. at Globe Telecom Inc.

Loading...