Dela Rosa kay Alejano  sa obserbasyon nito sa Tokhang: “Navy officer ka, hindi ka pulis”

Image capture from Gary Alejano Facebook account/ABS CBN Twitter Account

“Hindi ka pulis.”

Ito ang tugon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa kay Magdalo Rep. Gary Alejano’s sa kanyang komento hinggil sa “Oplan Tokhang.”

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Alejano kamakailan na napapansin niyang sa gabi nagaganap ang mga raids ng PNP, at  aniya, ito’y dahil dito nagaganap umano ang mga iligal na gawain ng mga pulis.

Sinabi rin nito ang posibilidad na ang mga opisyal ay maaaring gumagamit ng .38-caliber revolvers upang magtanim ng ebidensiya sa crime scenes.

Hindi kasi niya alam ‘yan kasi Navy siya, hindi siya pulis. Hindi niya alam na ‘yung transaksyon sa droga ay nangyayari sa gabi at sa madilim na lugar,” ayon kay dela Rosa.

Congressman Alejano, I am very sorry to tell you na hindi mo alam ‘yung pattern dahil you are a Navy officer, hindi ka pulis.”

Tumugon din si Dela Rosa sa naging pahayag ni Alejano tungkol sa umano’y paggamit ng .38-caliber ng baril bilang pantanim ng ebidensiya .

If you are a criminal gusto mo ba gumamit ng baril na may lisensya na may serial number na ma-trace sa iyo o sa kaninumang tao na madadamay sa ginawa mong krimen? So gagamit ka ng unlicensed firearm and .38, yes dahil ang .38 ang pinaka-easily available in the underground market,” Dela Rosa said.

Hinamon din ni Dela Rosa si  Alejano na magsagawa ng sariling imbestigasyon dahil wala umanong itinatago ang mga pulis.

As I have said, mag-conduct sila ng investigation and malaman nila ang totoo. Wala kaming tinatago. You can open our hearts, ” saad pa nito.

Samantala, dumepensa naman si Alejano sa pahayag na ito ni Dela Rosa.

Ayon kay Alejano, siya’y nagsalita bilang isang mambabatas at nasa mandato niyang tiyakin kung nagagampanan ba ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang kanilang tungkulin alinsunod sa budget na nakalaan sa kanila.

“Further, it is also my duty to check and balance the actions of the administration, especially now when PNP and other concerned agencies are withholding vital information on the matter. Even an ordinary Filipino has a duty to know and demand accountability from the government,” dagdag pa nito.

Source :

ABS CBN, Twitter, GMA

Loading...