Dela Rosa sa mga kritiko ng Duterte admin: “Manigas kayo, giyera tayo”

Image by Ronald "Bato" dela Rosa Supporters via Facebook page

Hinamon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga kritiko ng Duterte administration na maggiyera.

“You want to bring down the Duterte administration? Over my **** body. Giyera tayo,” ayon kay Dela Rosa.

“Hinahamon ko kayo, giyera tayo. Gusto ninyo ng kudeta? Magkudeta tayo, giyera tayo. Huwag n’yo akong takutin,” dagdag pa nito.

Ang pahayag na ito ni Dela Rosa ay makaraang magkasa ng International Criminal Court na magsagawa ng isang preliminary examination sa diumano’y crimes against humanity ng war on drugs ng pamahalaan; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Nauna nang inihayag ng ilang kaalyado  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diumano’y tangkang destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Binalaan din ni Dela Rosa ang mga kritiko ng Pangulo na hindi ito magtatagumpay sa tangka nitong  pagpapabagsak sa pamahalaan.

Manigas sila. Hindi nila kayang ibagsak ‘yung presidente na elected by the people and ang trust rating is 83%,” ani Dela Rosa.

 

Source :

ABS CBN, GMA, Inquirer

Loading...