Diskarte ng isang OFW upang makakain, hinangaan

Hindi kaila sa marami na may mga kababayan tayong overseas workers na hindi sinuwerte sa naging amo.

Hindi man nananakit ang ibang amo, mayroon namang ubod ng lupit sa kanilang mga kasambahay/nanny na halos ayaw nilang pakainin.

Paano naman ang mga kaawa-awa nating kababayan kung sila’y hindi nakakakain nang sapat sa bawat araw, ‘di ba? Diskarte na lang talaga ang pag-asang mayroon sila gaya ng ilang OFW na gumagawa talaga ng paraan upang hindi sila mamatay sa gutom.

Sabi nga ng isang OFW na tatawagin nating Red: “Ang hirap maging isang ofw lalo na kung ang amo ay madamot sa pgkain. kahit itlog lang na lutuin nagagalit pa. Ang saklap pa kahit patago ka na mgluto naaamoy niya pa! may pagka pusa talaga ang kamil???”

So, ano ang diskarte ni kabayan?

Plantsa! Oo, plantsa na lamang ang kanyang naisip na gawing lutuan sa kanyang silid upang hindi umano maamoy ng kanyang amo. Makakain lang, gumagawa talaga ng paraan! Lalo pa’t nami-miss na raw niya ang mga pagkaing Pinoy. Ipinakita pa niya sa isang video at ilang larawan kung paano niya ito ginawa.

Iclick ang imahe upang mapanood ang video
Iclick ang imahe upang mapanood ang video

Marami ang naaliw at natuwa sa kanyang diskarte, ngunit marami ring nagpaalala na mag-ingat pagkat baka mag-overheat ang plantsa at pagmulan pa ng sunog. Marami ang nakisimpatiya at may mga naka-relate sa dinaranas niyang patago-tago ng kain dahil madadamot ang kanilang napasukan at minsan pa’y luma o mapapanis na pagkain lang ang ipinapasa sa kanila.

May mga nagpayo at may mga nagpatawa pa na mag-Indomie na lamang pagkat ito umano ang “pambansang pagkain ng mga OFW” na kadalasang sasabayan ng itlog na nilaga gaya ng ginagawa ng marami nating kababayan sa ibang bansa.

 

Pambansang pagkain ng m ga OFW?
Pambansang pagkain ng m ga OFW?

May mga OFWs na nagbahagi na rin ng kuwento na ikaaawa mo rin gaya ng isang nanny na natutong magtago ng tinapay sa kanyang bra na kanyang kinakain sa loob ng banyo dahil sa matinding dinaranas na gutom. Mahahabang oras ng trabaho, mabibigat na gawain…sino ba naman ang hindi manghihina?

Harinawa ay magbago na ang kapalaran ng ating mga kabayan na nasa mga hindi makataong empleyado.

Source :

Facebook, DF Blog

Loading...