Duterte muling pinalawig ang termino ni Dela Rosa bilang PNP Chief

Image capture from Philippine National Police Facebook account

Muling pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

There are scoundrels, scalawags in every organization. And that is why the PNP [chief] now who’s supposed to retire on the 24th of April and because he enjoys my trust and confidence, I will extend his term for a little bit longer,” ayon kay Duterte sa talumpati nito sa Indian businessmen sa Malacañang.

Ayon sa ulat ng Rappler, hindi naman sinabi ng Pangulo kung gaano katagal ang pagpapalawig na ibinigay nito kay Dela Rosa.

Dagdag pa ng Pangulo, kailangan niya ng magpapatuloy ng kanyang reporma sa PNP.

Si Dela Rosa ay nakapagretiro na sana makaraang umabot sa mandatory age na 56 ngunit pinalawig ito ng Pangulo hanggang Abril.

Planong italaga ni Duterte si Dela Rosa bilang susunod na Bureau of Corrections (BuCor) Chief pagkatapos ng ganyang gampanin bilang PNP Chief.

Si Dela Rosa ay kilalang malapit kay  Duterte, kung saan pinamunuan nito ang Davao City police noong ang Pangulo ay Mayor pa ng lungsod.

Source :

Rappler, Inquirer

Loading...