Duterte sa ICC: “Tuloy ang war on drugs”

Imahe mula sa President Rodrigo Duterte Facebook page

Tuloy ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs sa gitna ng ikinakasang imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC.

Ayon sa ulat ng DWIZ, sinabi ni Duterte na walang makapipigil sa war on drugs at handa siyang harapin ang anumang reklamo at resulta ng imbestigasyon.

Saad ng Pangulo, hindi siya natitinag sa hakbang na ito ng ICC sa mga diumano’y nagawang krimen ng mga awtoridad sa war on drugs.

Ang naturang reklamo ay inihain ni Atty. Jude Sabio noong Abril 2017 laban kay Duterte at iba pang government senior officials sa akusasyong crimes against humanity.

There is no f—ing provision on extrajudicial killing. It is not defined anywhere,” ani Duterte.

Giit ni  Duterte,  hindi niya inabisuhan ang mga awtoridad na pumatay ng mga drug suspek.

Noong isang linggo, sinabi ng  ICC’s Office of the Prosecutor na kanila nang sisimulan ang preliminary investigation sa diumano’y extrajudicial killings sa war on drugs magmula nang maupo ang Pangulo.

Base sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, may kabuuang  3,968 drug personalities ang napatay sa  80,683 anti-drug operations na isinagawa magmula  July 1, 2016 hanggang Dec. 27, 2017.

May kabuuang 119,023 katao ang noo’y naaresto sa parehong panahon.

Samantala, kinukuwestiyon naman ni Solicitor General Jose Calida ang mga awtoridad ng ICC. Aniya wala silang mandato upang imbestigahan si Duterte.

Source :

DWIZ, GMA, Inquirer

Loading...