Duterte sa Rappler: It is not a legitimate agency

Image capture from ABS-CBN News video via You Tube/ DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Muling dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang utos na pansamantalang pagbawalan ang reporter ng Rappler na mag-cover sa Malakanyang.

Ayon sa Pangulo, hindi isang lehitimong news agency ang Rappler at sinusunod lamang niya ang naging desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nagre-revoke ng registration ng online news outlet.

“Because it is not a legitimate agency, according to SEC. So I am now invoking executive action based on the SEC ruling,” anang Pangulo.

Dagdag pa ng Pangulo, hindi naman pala Pilipino ang may-ari ng Rappler at maaaring ang Central Intelligence Agency (CIA) rin umano ang nasa likod nito.

Binanatan din ni Duterte ang umano’y pagbabaligtad ng mga balita ng Rappler na nakasisira sa gobyerno ng Pilipinas.

“I don’t have to suggest anything. You make the reports now, they will make the distortion, or a retort that is distortion. Magkasama naman tayo lahat. Tignan mo reporting nila,” wika pa ng Pangulo.

Ganunpaman, handa rin umano si Pangulong Duterte na bawiin ang kanyang utos oras na mabaligtad ang desisyon ng SEC.

Magugunitang pinagbawalang pumasok sa Malakanyang ang Rappler reporter na si Pia Ranada matapos ilabas ng news website ang balita tungkol sa umano’y pakikialam ni Special Asssistant to the President Bong Go sa sa P15-B Navy frigate deal.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pakiramdam umano ng Pangulo ay ‘trinaydor’ siya ni Ranada lalo pa’t itinuturing na niya itong parang isang ‘apo’.

Loading...