“Mga estudyanteng nag-walk out sa klase upang dumalo sa mga rally, dapat alisin sa Free tuition program” — Duterte Youth Movement  

Image capture from STAND UP Twitter account

Nais ng Duterte Youth Movement  na tanggalan ng benepisyo ng Free tuition program ng gobyerno ang ilang estudyanteng nananawagan upang pabagsakin ang administrasyon.

Kamakailan ay binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga estudyante ng University of the Philippines – na nag-walk out sa kanilang klase upang dumalo sa mga protesta – na ibibigay nito sa mga lumads ang kanilang mga slots.

Ayon sa ulat ng RMN, sinabi ni Ronald Cardema, Chairman ng Duterte Youth, na dapat  tanggalin sa listahan ang mga estudyanteng hindi pumapasok sa klase na panay ang pagdalo sa rally laban sa gobyerno.

Ayon kay Cardema, dapat umanong ipalit ang mga mag-aaral na interesadong mag-aral ngunit walang kakayahang pinansyal.

Ang pahayag ni Cardema ay kasunod ng pinaplano ng mga youth leaders na sumusuporta kay CPP-NDF Chairman Joma Sison na kilos protesta ngayong buwan ng Pebrero.

Saad pa nito, 80% ng mga kabataan sa bansa ay sumusuporta sa pamahalaan habang 5%  lamang ng mga estudyante ang kontra sa administrasyon.

Source :

Twitter, RMN, GMA, Rappler

Loading...