Ethel Booba kinampihan si Liza Soberano hinggil sa kontrobersiya sa kanyang karakter sa Bagani

Images by Ethel Booba and Bagani Official via Facebook accounts
  • Pinagtanggol ni Ethel Booba si Liza mula sa mga nambabatikos sa kanya
  • Pinuna ng ibang netizen ang casting ng Bagani dahil hindi umano sila mga kayumanggi at “ganap na Pinoy”
  • Pinagtanggol ni Liza ang kanyang pagiging Pilipino

Nakahanap ng kakampi si Liza Soberano kay Ethel Booba nang siya ay ipinagtanggol nito mula sa mga nambabatikos sa kanya. Si Liza, na gaganap bilang si Ganda sa fantaseryeng Bagani, ay pinuna dahil hindi umano siya “ganap na Pinoy” para sa karakter.

Dinepensahan ni Liza ang sarili at sinabing ang ama niya ay Pilipino, pinalaki siya ng mga Pilipino simula nang siya ay 4-taon gulang at mahilig siya sa sinigang.

Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen at isa si Ethel na sumagot para depensahan ang aktres.

Ani pa ni Ethel sa Twitter, “More sa sinigang lang talaga kayo nag-focus sa lahat ng qualities na sinabi ni Liza Soberano about sa pagiging Pinoy nya. Sa bagay, ‘yang galing natin sa panlalait very Pinoy tayo dyan. Charot!”

Nang may isang netizen na sinagot si Ethel na ang issue ay ang hindi tamang “representation ng pre-colonial Filipinos”, hindi ito pinalagpas ng komedyante at sinagot rin.

Sabi niya, “What do you mean na representation ng pre-colonial Filipinos? Casting ba? Remember, Marian Rivera gumanap na Amaya which is historical drama based on pre-colonial Visayas pero tahimik lang kayo noon. Charot!”

Nilinaw pa ni Ethel, “‘Di ba fictional world ang sa Bagani and not pre-colonial Philippines? Kung kulay ang pinapansin ng nakararami ‘di lang kayumanggi ang nabubuhay na Pinoy noon may fair skin din. Charot!”

Dagdag pa ni Ethel, “Yes, ang title na Bagani ay mula sa Cebuano word meaning ay Warrior. ‘Di ibig sabihin na ang title ay tagalog ang fictional character nila ay Pinoy. Miembro, La Luna Sangre mula sa Spanish ang title pero di naman Espanyol mga character. Charot!”

Sa huli ay pinatawa na lamang ni Ethel ang mga netizens, “Kung may mga concern pa po kayo about Bagani magtweet na po kayo direct sa ABS-CBN. Nasa next topic na kasi ako saka nagluluto ako ng sinigang kaya di ako makapagtweet masyado. Charot!”

 

Source :

Twitter, ABS-CBN

Loading...