“Galing kasi ako sa hirap”: Pacquiao naging emosyonal sa mga paghihirap ng OFWs

Image by Manny Pacquiao via Facebook page
  • Naging emosyonal si Manny Pacquiao sa sinapit ng mga OFWs lalo na si Joanna Demafelis
  • Inamin niyang lumaki siya sa hirap kaya ramdam niya ang pagsusumikap ng mga OFWs
  • Nangako siyang magbibigay tulong sa pamilya ni Demafelis

Hindi napigilan ni Sen. Manny Pacquiao na maging emosyonal sa kanyang talumpati tungkol sa sinapit ng OFW na si Joanna Demafelis.

Si Demafelis na natagpuang wala nang buhay at nakalagay sa loob freezer ay naiuwi na sa kanyang pamilya.

Habang nagpipigil ng luha ay ibinahagi ng Pambansang Kamao na nararamdaman niya ang sakit dahil lumaki rin siyang mahirap. Ayon pa sa ABS-CBN, sinabi niya na: “”Galing kasi ako sa hirap, Mr. Secretary, at ‘yung paghihirap ng mga mahihirap na tao, nararamdaman ko ‘yun.”

Dagdag pa ni Pacquiao na alam niya ang pakiramdam na mangarap ng mabuting buhay. Sabi niya, “Pati ari-arian sinangla nila para lang maka-abroad… Siyempre proud ang magulang kasi naka-abroad ang anak nila. Mababayaran ‘yung mga utang. Tapos ang sinapit ng anak nila nawala na ang pag-asa nila sa buhay. Hindi ko mapigilan sarili ko dahil doon ako galing. Si Manny Pacquiao, naranasan matulog sa kalsada.”

Nangako ang senador na magbibigay ito ng tulong sa pamilyang naiwan ni Demafelis at nanawagan na mabigyang hustisya ang lahat ng mga OFWs na inabuso ng kanilang mga amo.

Source :

ABS-CBN, ABS-CBN

Loading...