Ginang, kalahating milyon piso ang naibigay sa pekeng raffle scam

Image Capture of Video by ABS-CBN Youtube chanel
  • Isang ginang ang nakatanggap ng tawag na nanalo umano siya sa raffle
  • Nagbigay ito ng umabot sa P500,000 para umano sa pagproseso ng mga papeles
  • Laking hinayang niya nang malamang scam pala ang lahat

Ang laki ng pagsisisi ng isang ginang matapos umabot sa P500,000 ang naibigay niya sa mga scammers.

Sa kuwento ng 57-anyos na ginang sa ABS-CBN, nakatanggap umano siya ng tawag na siya ay nanalo sa raffle. Umaabot umano sa P750,000 na cash at insurance ang napanalunang premyo. Taong 2016 pa raw siya sinimulang hingan ng pera pang-proseso ng mga papeles.

Ayong pa sa ginang ay iba’t ibang tao umano ang nagpapakilala sa kanya mula sa mga ahensya ng gobyerno na nag-aasikaso ng premyo niya. Madali raw siyang naniwala dahil inisip niya na malaking tulong ang premyo sa pag-aaral ng apat na anak.

Ngunit Enero ngayong taon ay naisipan niyang bawiin na lamang ang mga pinadalang pera. Hindi umano pumayag ang scammers at binalaan pa umano siya. Dala-dala ang mga resibo ng kanyang perang naipadala ay lumapit ang ginang sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP- CIDG).

Ani pa ni SPO3 Veronica Villareal ng CIDG Baguio, “Nagkakaroon po tayo ng [digital] scam. Kapag may nag-text o nagpapahiwatig na kayo ay nanalo ng large amount na manghihikayat sa receiver na mag-send ng pera nila.”

Nagbigay rin siya ng payo na huwag agad maniwala na nanalo ng premyo lalo na kung wala naman umanong sinalihang raffle. Ang isa pang nauuso umano ngayon na scam ay ang “love scam” kung saan makikipagrelasyon ang scammer at hihingan ng pera ang biktima.

Source :

ABS-CBN, ABS-CBN

Loading...