Heart, nagpaliwanag tungkol sa IG photo niya na may blurred image ni Daniel

Imahe mula sa Instagram account ni @iamhearte

Nagpaliwanag ang aktres na si Heart Evangelista tungkol sa larawan na ipinost niya sa kanyang Instagram account, kung saan naaninag ang ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga.

Sa naturang larawan, makikita rin ang eventologist na si Tim Yap na malinaw ang kuha.

Checking out these bottled scents in the popup store of #maisonfranciskurkdjian ❤️ @magicliwanag

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Dahil dito, may mga nagtanong sa comments section.

Kaagad naman na nagbigay-linaw ang aktres.

“Nope, pic is really like that. We are good friends,” tugon niya sa isa sa mga nagtanong kung sinadyang i-blurr

ang imahe.

“Bokeh effect, kung saan ang focus ng camera ay nasa main subject at nagiging blurred ang nasa paligid ng larawan,” paliwanag naman ng isa niyang follower.

Makikita namang maayos talaga ang lahat sa dalawa dahil nagkomento rin maging ang ina ni Matsunaga na si Geralda Matsunaga.

“Very beautiful” saad niya sa wikang Portuguese.

Sinagot naman ni Evangelista ang komento ng ina ng dati niyang nobyo at sinabing kasama niya si “Dandan” (nickname ni Daniel) sa event.

Ang larawan ay kuha sa launching ng pop-up store ng isang brand ng home fragrances sa Greenbelt 5, Makati City. Ang naturang event ay dinaluhan ng iba pang celebrities, kagaya ng beauty queens na sina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters, at Bb. Pilipinas-Grand International 2017 Elizabeth Clenci; fashion designer na si Rajo Laurel; at celebrity photographer na si Mark Nicdao.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama sa isang event sina Evangelista at Matsunaga matapos silang mag-break.

Noong 2017 ay nagbatian pa nga ang dating magkasintahan nang magkita sila sa Star Magic Ball.

Loading...