‘Hindi umubra si ‘Kapitan’’: Banyaga nasita dahil nakainom at walang helmet habang nagmo-motor

Image capture from Gadget Addict Facebook account

Ang batas-trapiko ay itinakda para sa lahat ng motorista upang mapanatili ang kaayusan sa mga kalsada. Iyon nga lang marami pa rin ang tila pasaway at patuloy na lumalabag sa batas-trapiko.

Nag-viral ngayon sa  social media ang nasitang banyaga ng mga enforcer dahil nagmo-motor ito nang walang helmet kasama ang backrider at nakainom pa.

Sa Facebook post ng Gadget Addict, ibinahagi nito ang isang video kaugnay sa nasitang Korean national dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo nang nakainom at wala pa umanong helmet.

Sa naturang video napag-alaman pa ng mga awtoridad na ang restriction ng kanyang lisensiya ay ‘2’ sa halip na ‘1’ .

Tila nahirapan ang mga awtoridad na paliwanagan ang banyaga tungkol sa kanyang mga naging violation pagkat hindi ito gaanong nakikinig. Kalaunan nama’y nakinig na rin ang Koreano sa MMDA enforcer.

Tinikitan ang naturang banyaga dahil sa mga naging paglabag nito.

Maya-maya pa’y isang tawag sa cellphone ang natanggap ng enforcer mula sa isang nagpakilalang ‘Kapitan’ na tila inaareglo ang usapin sa banyaga.

Sa Station 5 umano ng Maynila nakatalaga ang naturang ‘Kapitan’ na kaibigan umano ng mga banyaga.

Hindi naman nagpatinag ang enforcer at nanindigang papanagutin ang mga banyagang lumabag sa batas-trapiko.

Panoorin ang video na ito ng GMA para sa iba pang detalye:

 

Source :

Facebook

Loading...