Hontiveros kinondena ang pahayag ni Duterte sa pagbaril ng militar sa ‘ari’ ng babaeng rebelde

Image capture from Thinking Pinoy Facebook Account

Mariing kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang mistulang paghikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na barilin sa ari ang mga babaeng rebelde kapag nakipagbakbakan.

Ayon sa ulat ng Abante, sinabi ni Hontiveros na sukdulan ito ng kabastusan ng Pangulo at kawalan ng paggalang  sa kababaihan.

Paniwala ng Senador, ito na ang sukdulan ng karahasan sa mga kababaihan.

Kung si Donald Trump ay may grab ‘em by the pussy’, si Pangulong Duterte ay may ‘shoot ‘em in the vagina’,” ani Hontiveros.

Sukdulan ang kabastusan at kawalan ng respeto sa kababaihan. This probably constitutes an extreme form of sexism that can lead to sexual harassment, **** and other forms of sexual violence,” dagdag pa nito.

It is disgusting to the senses. It is grossly repugnant,” saad pa nito.

Giit pa ng Senador, lahat ng kababaihan, anuman ang political affiliation at estado sa buhay ay dapat makaramdam ng pagkainsulto at pambabastos sa pahayag  ni Duterte.

Nauna nang pumalag ang Gabriela sa naging pahayag na ito ni Duterte.

He has further presented himself as the epitome of misogyny and fascism terribly rolled into one,” ayon kay Gabriela party-list Rep. Emmi De Jesus.

He is dangerously pushing the fascist Armed Forces of the Philippines to commit more bloody human rights violations and grave abuses of international humanitarian law, and takes state terrorism against women and the people to a whole new level,” saad pa nito.

 

Source :

Abante, Inquirer, GMA

Loading...