“Hot mamas” Ina Raymundo, Alice Dixson at Sunshine Cruz, nagpasiklab sa kanilang sexy photos

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Ina Raymundo, Alice Dixson, at Sunshine Cruz

Kung totoo man ang “fountain of youth,” tiyak na pinalad na makapaglunoy rito ang hot mamas na sina Ina Raymundo, Alice Dixson, at Sunshine Cruz matapos nilang mapa-wow ang mga netizen sa kanilang sexy photos na naka-upload sa Instagram.

Silang tatlo ay mga endorser ng Century Tuna Super Bods 2018 kung saan tampok ang mga babaeng gaya nila na “ageless” ang kagandahan at kaseksihan.

Sila ay pare-parehong nasa 40 anyos mahigit ang edad subalit napanatili pa rin nila ang kanilang kariktan at kaseksihan. Pare-pareho rin silang muling naging aktibo sa paggawa ng mga proyekto.

Naging bahagi si Raymundo ng La Luna Sangre bilang “Verushka” na isang taong lobo. Si Dixson naman ay nakasama sa pelikulang Ghost Bride ni Kim Chiu. Si Cruz naman ay kabilang sa top-rating teleseryeng Wildflower bilang si “Camia Cruz” na ina ni Lily Cruz sa pagganap ni Maja Salvador.

 

Loading...