Ibang klaseng trip? Putol na daliri, ginawang pendant ng babae sa England

Image capture from Torz Reynolds Instagram account

Ibang klase ang trip sa katawan ng isang babaeng tattoo artist at body piercer sa Colchester sa England.

Maliban sa tadtad ng tattoo at hikaw sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ipinagmamalaki ngayon ni Torz Reynolds ang ginawa niyang pagputol sa hinliliit niyang daliri.

Ayon sa ulat ng The Sun, pinutol ni Reynolds ang kaniyang hinliliit na daliri noong Valentine’s Day 2017 dahil sa palagay niya ito’y ‘cute’ tignan.

Ngayon naman makalipas ang isang taon ang putol na daliri ay ginawa niya namang pendant sa isinusuot niyang kuwintas.

Salaysay ni Reynolds, ang pagputol ng kanyang daliri ay dahil nais lamang niyang malaman ang pakiramdam na putol ang isang daliri sa kamay tulad ng kanyang kaibigan.

Kaya naman sa halip na itapon ang pinutol na daliri ay inilagay niya ito sa maliit na glass veil at ginawang pendant matapos patigasin sa freezer kasama ng mga green peas.

Suportado umano ito ng kanyang boyfriend at binilhan pa ito ng miniature hats upang mas kanais-nais tignan ang itsura ng putol niyang daliri.

Samantala sa mga naunang Instagram post ni Reynolds ibinahagi naman nito ang ilang larawan ng mga naka-preserbang biik at octopus tentacle. Ang weird, ‘di ba?

Loading...