Isang lalaki nasawi matapos barilin ng nakaaway dahil sa hindi hinugasang pinagkainan

Image from DF Balita Files
  • ***** ang isang 47-anyos na lalaki matapos itong barilin ng kainuman
  • Nagreklamo umano ang biktima tungkol sa mga hindi hinugasang pinagkainan
  • Tumakas ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder

Humantong sa barilan ang pag-aaway ng dalawang lalaki dahil umano sa hindi paghuhugas ng kanilang pinagkainan.

***** si Marcial Barid, 47-anyos, matapos itong barilin ng kanyang katrabaho sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte.

Si Barid at ang suspek ay magkasamang nagtatrabaho sa isang nursery sa Barangay Cacafean. Kuwento ng mga awtoridad, nag-inuman pa ang dalawa nang gabing naganap ang krimen.

Ani pa ni Insp. Kristian Lee Badua sa ABS-CBN, “Itong dalawa magkatrabaho at may sarili silang tent kasama mga pamilya nila dahil kinontrata sila ng DENR (Department of Environment and Natural Resources) na magtanim.”

Matapos umano nilang mag-inuman ay dito na nagsimula ang alitan nila sa pag-iimis ng pinagkainan nila. Dagdag pa ni Insp, Badua, “Pagkatapos nilang mag-inuman parang nagrereklamo ang biktima dahil sa mga hugasin na hindi man lang hinugasan ito ng kanyang mga anak, pero ang dinig ng suspek ay siya ang tinutukoy ng biktima.”

Nagalit umano agad ang suspek at hinamon si Barid. Pagtalikod umano ng biktima ay agad na itong binaril ng suspek. Tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Pinaghahanap pa rin umano ang suspek na kakasuhan ng murder, “At large pa rin ‘yung suspek pero identified na ito.”

Matatandaang lasing at muntik nang makapatay rin ang isang pulis sa Gensan kamakailan lamang. Huli sa CCTV ang panunutok ng baril ni PO1 Rasel Blabagno Jr. sa isang guwardiya ng hotel. Kita ang pagkasa at pagtutok ng baril ni Blabagno sa guwardiya bago nito sinuntok sa tiyan.

Source :

ABS-CBN, ABS-CBN

Loading...