Jackie: Aanhin ko ang love life kung lagi naman akong umiiyak?

Imahe mula sa Instagram account ni @_jackierice

Walang kaso sa aktres na si Jackie Rice kung zero ang buhay pag-ibig niya ngayon kaysa naman daw may love life siya pero lagi lang naman umiiyak.

Ayon sa PEP, sa presscon ng unang advoca-serye ng GMA’s first, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, sinabi ni Jackie na mas masaya ang buhay niya ngayong wala siyang nobyo.

“Aanhin ko naman ang love life kung lagi naman akong umiiyak? Or, may love life nga ako, hindi naman ako masaya. So, I think, hindi ko siya deserved,” ani Jackie.

May mga nanligaw at naka-date naman daw ang aktres, ngunit wala siyang nagustuhan.

“May dinate ako no’ng last, pero hindi kami nagkakaintindihan. Non-showbiz siya. Hindi kami magkaintindihan. Ano na lang ang ibigay sa akin ng sa Itaas, hindi na ako mamimili. Hindi na rin ako bata,” aniya.

Ibinahagi rin ni Jackie ang tungkol sa kanyang ex-boyfriend na matagal niyang nakarelasyon ngunit wala ring nangyari.

“Tumagal nga din ‘yon. Pero pareho naman kaming nag-decide to let go. Eight years din, then naging single ako for one year. May sumunod na. May dinate na ako kailan lang, hindi rin nag-work. Naka-move na rin ako sa dati. Naggi-girlfriend na rin siya. Ako naman, nagdi-date din naman. Pero ngayon, wala. Ayoko muna,” saad niya.

Bida-kontrabida

Samantala, nalilinya na ngayon si Jackie sa mga kontrabida roles at tanggap naman ito ng aktres.

Ngunit kung siya raw ang papipiliin, ayaw niyang mapako sa isang imahe. Bida-kontrabida roles ang gusto niyang gawin.

Gayunman, bahala na raw ang GMA dahil sila ang nakaaalam kung anong role ang nababagay sa kanilang mga artista.

Loading...