Joey de Leon binatikos ng mga netizen dahil sa biro nito sa isang dating prostitute

Image capture from Joey De Leon Instagram account

Binatikos  ng mga  netizens ang pagbibiro  ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa winner ng “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga kahapon, February 20.

Ang pinalad na contestant ay si Mary Jane na umaming dating prostitute sa Pasay City, at ngayon ay isa nang Born-Again Christian na naninirahan sa isang ministry/shelter sa Olongapo City.

Ang “All For Juan, Juan For All” segment ng Eat Bulaga ay ginanap sa Olongapo City, kung saan naroon sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Maine Mendoza.

Sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Allan K naman ay nasa   Broadway Centrum studio sa Quezon City.

Sa naturang episode, tinanong ni Joey kay Mary Jane ang:  “May naging guest ka bang taga-Eat Bulaga? Hindi, baka napasyal lang”; isang biro na hindi nagustuhan ng mga netizens.

Doon na itinuro ni  Joey sina Jose at Wally na nasa tabi ni Mary Jane, aniya: “‘Yang dalawang katabi mo.”

Idinaan na lamang din sa biro nina Paolo at Jose ang hirit ni Joey sa pagpapatuloy ng segment at sumakay naman sa biruan ang babae.

Hindi nagustuhan ng mga netizens ang pagsingit ng ganitong biro ni Joey.

Ayon sa netizens, sa halip na purihin ang contestant dahil sa pagbabagong-buhay nito ay nagawa pa raw ni Joey na magbiro at tanungin ang contestant kung may naging guest ito na taga-Eat Bulaga.

Kaya naman nag-trending ang ‘joke’ na ito ni Joey na ikinagalit ng maraming netizens:

“Eat bulaga is funny and all until joey de leon opens his mouth”

“Joey De Leon, basura ka sa telebisyon.”

“paano tumagal c joey de leon sa eat bulaga kung ganyan paguugali di nmn nkakatawa un kung joke man un”

“Why is Joey de Leon still hosting Eat Bulaga despite his unfunny, truly offensive jokes, and ignorant opinions???”

Kilala si Joey dahil sa kanyang mga ‘double meaning’ na biro. Sa katunayan, sa kanyang Instagram post nitong Pebrero 21:

Loading...