‘Joke’ ni Duterte na gawing probinsya ng China ang Pilipinas hindi bumenta kina Trillanes at Hontiveros

Image capture from Antonio Trillanes/Riza Hontiveros Facebook account

Hindi bumenta sa mga Senador ng oposisyon ang pagbibiro ni Pangulong Duterte na gawin na lamang probinsya ng China ang Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Abante, naniniwala umano si Senador Risa Hontiveros na ang kalayaan at kasarinlan ng bansa na ipinaglaban ng mga ninuno sa mga mananakop ay hindi dapat ginagawang biro.

Ginunita pa ng Senador ang ipinaglaban ng nakalipas na administrasyon sa International Tribunal ang West Philippine Sea na pilit inaangkin ng China.

Kahit pa sabihin ng President bukas na biro lang iyon, hindi biro ang sobereniya ng bansa natin. Para sabihing ‘okay, atin nga ang Benham Rise pero ang Pilipinas pwedeng maging probinsya ng China’ parang Hongkong at Taiwan… Diyos ko! Kung gaano katagal inilaban ng ating mga ninuno ang arkipelagong ito, bawat isla!” ani Hontiveros.

Hindi biro ang mga laban natin, lalong hindi biro ang mga panalo ng bansa kaya please huwag i-joke lamang,” dagdag pa nito.

Para naman kay Senador Antonio Trillanes IV na mas hinihikayat umano ng Pangulo ang China na pagsamantalahan ang Pilipinas.

Saad pa ni Trillanes, dapat tuligsain ito ng publiko.

We need to call it out. Yung mga statement na ganyan, talagang mapagsasamantalahan ‘yan ng China. Hindi appropriate na magbiro siya ng ganyan,” ayon kay Trillanes.

Samantala, sa kabila ng pagbibiro ni Duterte, iginiit niya ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ani Pangulong Duterte: “I’ve stated it in black and blue. It has been the claim of the Republic of the Philippines na atin ‘yan… which we call before the China Sea, now the West Philippine Sea.”

Loading...