Jolo Revilla sa kanilang 81st month anniversary ni Jody: “Ang ganda talaga ng asawa ko!”

Image capture from Jolo Revilla Instagram account

Tila unti-unting nagiging vocal sina Kapamilya actress Jodi Sta. Maria at actor politician Jolo Revilla tungkol sa kanilang relasyon.

Sa Instagram post ni Jolo nitong Pebrero 22, tinawag nitong ‘asawa’ si Jodi. Ayon sa caption ng larawan: “Ang ganda talaga ng asawa ko! Happy 81st month sa ating dalawa!”

Ang ganda talaga ng asawa ko!😍Happy 81st month sa ating dalawa!❤️❤️❤️

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Anim na taon nang magkarelasyon sina Jody at Jolo

Matatandaan na noong Enero ay nagsalita tungkol sa relasyon nila si Jodi nang mag-guest ito sa isang late night talk show.

Ani Jodi,  maliban sa anak niyang si Thirdy, si Jolo umano ang masuwerteng lalaki na pinagbigyan niya ng kanyang puso.

Tugon naman ni Jolo, “Wagas ang kilig ko, love! Parang kakasagot mo pa lang sa akin! I love you now and forever!”

Kasalukuyang abala ngayon si Jodi sa kanyang soap opera na “Sana Dalawa ang Puso Ko” ng ABS CBN.

Loading...