KaladKaren Davila, proud sa kanyang British boyfriend

Mga larawan mula sa Instagram account ni KaladKaren Davila

Isa sa mahuhusay na impersonator ng mga sikat na celebrity si Jervi Li o mas kilala bilang si KaladKaren Davila na unang nakilala sa viral video na ipinost sa Facebook ni Michael Tanchaco noong 2017 habang tumatawid sa isang ilog at kunwaring isa sa mga episode ng investigative-documentary show na The Correspondents ng batikang journalist at news anchor na si Karen Davila.

Naging sunod-sunod na ang mga video na nagpapakita ng impersonation ni KaladKaren sa kanyang idolo.

#Kaladkaren sa My Upuan #MyPuhunan #KaladKarenDavila 🤣🤣

A post shared by Jervi Li | Kaladkaren Davila (@jervijervi) on

Maging ang tunay na Karen Davila ay na-amaze at natuwa kay Jervi dahil gayang-gaya nito ang kanyang hitsura at pagsasalita.

Naluka zi acoe Salamat po!!! #KALADKARENDAVILA #KALADKAREN

A post shared by Jervi Li | Kaladkaren Davila (@jervijervi) on

Hindi naman ipinagkaila ni KaladKaren, na isang “trans woman”, na siya ay masaya sa kanyang lovelife sa piling ng kanyang British boyfriend. Kamakailan lamang ay nag-post si KaladKaren ng mga larawan sa Instagram kasama ang kanyang British boyfriend na nagdiriwang ng kaarawan.

Happy birthday to this man who makes my favorite pizza from scratch, carries my heavy suitcase around whenever we travel, takes my best Instagram photos, tolerates all my tantrums and most especially… makes me realize everyday that I deserve to be loved for all of who I am. I love you, my dear!

Sa kasalukuyan, si KaladKaren Davila ang host ng Pilipinas Got Talent Season 6 Exclusives sa Facebook Live.

Loading...