KZ Tandingan: “Hindi po ako aalis ng bansa. Iba pa rin po sa Pilipinas.”

Mga larawan mula sa Instagram account ng TWBA at KZ Tandingan

Tahasang sinabi ni Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan na hindi siya aalis ng bansa; na mananatili siya sa Pilipinas anuman ang kahinatnan ng kanyang pakikipagtagisan ng husay sa pag-awit sa Singer 2018 sa China, ayon sa panayam sa kanya sa Tonight with Boy Abunda sa ABS-CBN Network noong Pebrero 15, 2018.

Si KZ ay isang “challenger” sa Chinese singing competition na “Singer 2018” na may 200 million viewers! #KZingsTonight

A post shared by Tonight With Boy Abunda (@twbaofficial) on

Matatandaang tinalo ni KZ ang sikat na British singer na si Jessie J noong ika-9 ng Pebrero bilang challenger; kung saan nag-number 1 siya sa last episode nito  matapos lapatan ng sariling rendition ang Rolling in the Deep ni Adele.

Isinalaysay ni KZ na siya ay isang guest challenger pa lamang noon, at kapag nagtuloy-tuloy ang kanyang matataas na puntos sa tatlong magkakasunod na episode ay magiging regular contestant siya kapag nakapasok siya sa Top 5. At nakapasok na nga siya!

Inamin ni KZ na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari, lalo’t naungusan niya ang kanyang idolong si Jessie J sa kompetisyon, at hindi lamang naungusan, kundi nakadaupang-palad pa niya.

Panoorin ang isa sa mga highlights ng panayam ni Boy Abunda kay KZ Tandingan via You Tube Channel:

 

 

 

Loading...