Lalaking nagtangkang magpuslit ng mga baril sa LRT station, ********

Image from DF Balita

MAYNILA, Pilipinas  –  Kalaboso ang bagsak ng isang lalaki matapos itong mahulihan ng ilang piraso ng baril habang nagtatangkang pumasok sa LRT station sa Blumentritt sa Maynila umaga ng Martes.

Kinilala ang pasahero na si Juan Celso, residente ng Balut, Tondo. Nasamsam mula sa suspek ang 4 na 9 mm na pistol at walong magazine nito.

Nakalagay umano sa isang kahon ang mga armas at tinangka itong ipuslit ng lalaki papasok ng LRT station subalit hindi ito nakaligtas sa security check pasado alas-6 ng umaga.

Depensa ni Celso, napag-utusan lamang siya na dalhin ang kahon sa kanyang amo, subalit wala ring maipakitang papeles ang lalaki.

Hindi rin nito maipaliwanag kung para saan ang mga bitbit nitong baril.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang pangyayari upang malaman kung may iba pang sangkot dito.

Kasalukuyang nakadetine na si Celso Manila Police District Station 7 habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya dahil sa paglabag sa “Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions”.

Loading...