Libo-libo nag-rally sa Quezon City bilang suporta sa Pederalismo

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN

Libo-libong tao mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ang nagpakita ng buong suporta sa pederalismo na isinusulong ng pamahalaan.

Sa pagtataya ng Quezon City Police, umabot ng hindi bababa sa 5,000 katao ang nagtungo sa Quezon City Memorial Circle upang suportahan ang paglulunsad ng “Fed-Ibig” (Federalism, Ibig ng Bayan sa Pagbabago), isang kilusan na sumusuporta sa paglipat sa Federalist System of Government.

Ayon sa Manila Times, sinabi umano ni Cagayan Economic Zone Authority Administrator Raul Lambino na ang naganap na pagtitipon ay pagpapakita lamang na ang kampamya para sa Federalism ay “full blast” na.

Ani Lambino, batay sa ginawa nilang survey sa Quezon City, 85% ng mga kababaihan ay suportado ang pederalismo. Sa Luzon naman ay 68% ang pro-federalism, sa Mindanao ay 95% at sa Visayas ay mahigit 80% ang pabor. Ipanapakita lng umano nito na nais ng nakararami ang pagbabago.

“Dapat gumalaw kaagad ang Kongreso ng Pilipinas para maging maayos ‘yung pagbabago ng sistema ng gobyerno,” saad ni Lambino.

“Nakikita natin na ‘yung ating mga kababayan, lalong-lalo na yung nasa Mindanao, na hindi na sila makapaghintay doon sa matagal na nilang pinapangarap na kapayapaan, reporma, at pagbabago sa kanilang pamumuhay,” dagdag niya.

Dumalo rin sa pagtitipon si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, PCOO Assistant Secretary Mocha Uson, dating Chief Justice Renato Puno, Ilocos Governor Ryan Singson at Quzon City Vice Mayor Joy Belmonte.

 

Loading...