Lolit: Napakahusay kumanta ni Mark, who cares about his sexuality? Bibili ako ng 10 libro niya

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @akosilolitsolis at @iammarkbautista

Nagpahayag ng suporta si Manay Lolit Solis para sa singer-actor na si Mark Bautista, sa kabila ng lahat ng isyu na kinahaharap nito dahil sa pag-aming siya ay isang bisexual.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Solis na katulad ng suporta niya sa mga ibang artist ay bibili rin siya ng sampung kopya ng libro ni Bautista na Beyond The Mark.

“Promise ko, bilang suporta bibili ako ng 10 kopya at ipamimigay ko sa mga kaibigan ko. Gaya din ng pagbili ko ng 10 CD ni Martin Nievera,” ani Solis.

Ay naku Salve, malaking balita iyong libro ni Mark Bautista. bongga at promise ko bilang suporta bibili ako ng 10 kopya at ipamimigay ko sa mga kaibigan ko , gaya din ng pagbili ko ng 10 cd ni Martin Nievera dahil dalawa sila ni Mark , Martin at Marco Sison na love ko dahil kinantahan nila si Bong Revilla sa Crame ng birthday nito. Nasasali sa intriga sa libro si Piolo Pascual dahil may insinuation ng malisya . Para sa akin kung anuman iyon , siguro hindi na dapat husgahan . Napatunayan ko na napakabait na tao din ni Piolo Pascual hindi mapagtanim ng sama ng loob , at pareho sila ni Mark na mabuting tao. Di naman sila nananakit o naging masama sa kapwa nila , so ano ang problema ? Aral iyan na nakuha ko kay Rudy Fernandez, nasa hospital siya nun attend ako ng hearing sa naging kaso namin ni Piolo at Sam Milby , sabi niya sa akin ' so kung anuman ang katotohanan dun sa insinuation mo , maligaya ka ba ? Ok ba na magkaruon ng duda ang tao sa kanila , ano ang intensiyon mo? Dun ako nakapag-isip , bakit nga ba kailangang makialam sa isang bagay na hindi ka naman kasali o hindi ka naman apektado ? Sinaktan ka ba nila , binago ba nila buhay mo ? Kanya-kanya tayo ng standard of happiness , kanya -kanya tayo ng hinahanap sa buhay , for whatever reasons na naiba iyon ilan , basta hindi tayo apektado pabayaan natin. Whatever ginawa nila , one thing sure ako , mabuting tao sila Mark at Piolo. So happy sila , happy din ako , dapat happy lang tayong lahat. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore😀 @iammarkbautista

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Binigyang-diin din ni Solis na mas mahalaga ang husay ni Bautista bilang isang artist kaysa sa kung ano ang kasarian nito.

“Hindi ko gustong kontrahin iyon mga tao na iba ang tingin sa ginawa ni Mark Bautista dahil ‘di ba lagi ko sinasabi respetuhan tayo sa kanya kanyang opinyon…. Iyon opinyon mo sa iyo iyon, iyon naman opinyon ko sa akin iyon. Pero at the end of the day, ‘di ba ang importante lang iyon gustong gawin ni Mark Bautista? Career niya iyon, buhay niya iyon, hindi tayo ang nagpapakain sa kanya, nagbabayad ng mga babayaran niya,” aniya.

“Lagi ko paniwala nuon pa, huwag ka magtago ng isang bagay na later on puwedeng gamitin against you. Siguro sa tagal ng panahon na itinago ni Mark ang mga bagay na ngayon niya lang inilabas, naramdaman din niya ang takot na puwede iyon gamitin laban sa kanya. When he decided to come out with those things na lagi naman buong malisya na pinag-uusapan ng ibang tao, reliever iyon for Mark. Huwag na kayong bumulong, pag-usapan nyo na ng harapan, siguro iyon ngayon ang gusto isigaw ni Mark. Sa husay kumanta ni Mark, sa ganda ng boses niya, sa husay niyang umarte sa stage, who cares about his sexuality?” punto niya.

Dagdag pa ni Solis, pinakamahalaga pa rin sa kanya ang kabutihan ng puso ni Bautista.

“Basta ang alam ko pag kumakanta siya, isang guwapong singer nakikita ko sa entablado. Isang mahusay na mang-aawit, so sabihin nyo nga will it matter kung ano gender niya? Basta sabi ko nga, dapat lang foundation mo mabuti at mabait kang tao, kaya no matter kung ano pang bagyo iyan dumaan diyan, makakatayo ka, babangon ka,” wika niya.

Hindi ko gustong kontrahin iyon mga tao na iba ang tingin sa ginawa ni Mark Bautista dahil ‘di ba lagi ko sinasabi respetuhan tayo sa kanya kanyang opinyon, Salve. Iyon opinyon mo sa iyo iyon , iyon naman opinyon ko sa akin iyon. Pero at the end of the day , ‘di ba ang importante lang iyon gustong gawin ni Mark Bautista ? Career niya iyon , buhay niya iyon , hindi tayo ang nagpapakain sa kanya , nagbabayad ng mga babayaran niya , so whatever he decides to do , siya lang ang tama dun. Lagi ko paniwala nuon pa , huwag ka magtago ng isang bagay na later on puwedeng gamitin against you . Siguro sa tagal ng panahon na itinago ni Mark ang mga bagay na ngayon niya lang inilabas , naramdaman din niya ang takot na puwede iyon gamitin laban sa kanya. When he decided to come out with those things na lagi naman buong malisya na pinag-uusapan ng ibang tao , reliever iyon for Mark. Huwag na kayong bumulong , pag-usapan nyo na ng harapan , siguro iyon ngayon ang gusto isigaw ni Mark, sa husay kumanta ni Mark , sa ganda ng boses niya , sa husay niyang umarte sa stage , who cares about his sexuality ? Basta ang alam ko pag kumakanta siya , isang guwapong singer nakikita ko sa entablado. Isang mahusay na mang-aawit , so sabihin nyo nga will it matter kung ano gender niya ? Basta sabi ko nga , dapat lang foundation mo mabuti at mabait kang tao , kaya no matter kung ano pang bagyo iyan dumaan diyan , makakatayo ka , babangon ka , dont despair Mark , all this things will pass , at nandiyan ka pa rin , nakatayo. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore😀 @iammarkbautista

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Source :

Instagram, IG

Loading...