Maayos ang pakikitungo: Duterte parang apo ang turing kay Rappler reporter Pia Rañada

Image capture from Henri Uri Facebook account

Maayos umano ang pakikitungo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Rappler reporter Pia Rañada bago tuluyang i-ban na mag-cover sa Malacañang; ito ay ayon kay Presidential Secretary Harry Roque.

Ayon sa ulat ng Brigada, parang apo ang turing ng Pangulo kay Rañada sa kabila ng aniya’y hindi patas na pagsusulat ng mga balita nito laban sa Punong Ehekutibo.

Inalala pa ni Roque bilang patunay na noong nakaraang Pasko ay halos hindi mapaghiwalay ang dalawa at masayang nagkukuwentuhan.

Dagdag pa ni Roque,  nawala na ang tiwala ng Pangulo kaya nagpasya itong hindi na payagang mag-cover sa mga events sa Malacañang at napuno na ito.

Matatandaang sa Facebook post ni Henri Uri ng DZRH, noo’y 2016 Presidential Election nang maaksidente si Rañada at si Duterte pa ang nagdala sa reporter sa ospital sa Davao City.

Samantala pinalagan ni  Presidential Security Group Commander Brigadier General Lope Dagoy ang demand ng Rappler na dapat ay humingi ito ng paumanhin sa kanilang reporter na si Pia Ranada.

Ayon kay  Dagoy, dapat pa umanong ang reporter ang humingi ng tawad sa kanya dahil sa umano’y pambabastos noong Pebrero 20.

Loading...