Makaraang harangin ng PSG, Rappler maaari pa ring mag-cover sa Malacañang

Image capture from GMA Twitter account

Maaari pa ring mag-cover si Pia Rañada ng Rappler sa mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang press briefing sa Malacañang; ito ay ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Nitong Pebrero 20 ay hinarang ng Presidential Security Group na si Marc Anthony Cempron na papasukin ang reporter ng Rappler na si Pia Ranada upang mag-cover sa Malacañang.

Ayon sa ulat ng Rappler, ipinag-utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa  Malacañang’s Internal House Affairs Office na tiyaking hindi na makapapasok sina Rappler CEO Maria Ressa at reporter Pia Ranada.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hangga’t nakaapela  ang kaso ng Rappler sa Court of Appeals (CA) laban sa desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) ay puwede pa rin silang mag-cover.

Magugunitang  kinansela ng SEC ang registration ng Rappler dahil dayuhan umano ang nagmamay-ari sa kanila.

Sa kautusang  ipinalabas  ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, mapipilitan ang Malacañang na ilipat sa Focap o Foreign Correspondent ang Rappler o magpa-accredit bilang blogger sa tanggapan ni Presidential Communications Asistant Secretary Mocha Uson, ito’y kapag natalo ang Rappler sa CA, ayon kay Roque.

Saad pa ni Roque, kapag nasa kategoryang Focap na ang Rappler, mga piling event na lamang  ni Duterte  at ng Malacañang ang maaaring mai-cover ng Rappler.

Samantala, binatikos naman ng Rappler ang pag-ban na ginawa ng Malacañang.

It’s another instance of power attempting to intimidate independent journalists,” ayon sa Rappler.

Panoorin ang ulat na ito ng GMA para sa iba pang detalye:

Source :

GMA, RMN, Rappler, ABS CBN

Loading...