Makati Rep. Monsour Del Rosario, lumipat na rin sa PDP-Laban

Image from Del Rosario's Facebook account

MAYNILA, Pilipinas  –  Si Makati congressman at aktor Monsour Del Rosario ang isa sa pinakahuling pulitiko na lumipat sa partido ng administrasyon na PDP-Laban.

Ang actor-politician ay kasalukuyang konsehal ng Unang Distrito ng lungsod at nanalo noong nakaraang eleksyon sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ni dating Bise Presidente Jejomar Binay.

Sa isang pahayag na inilabas ni Vice Mayor Monique Lagdameo, sinabi nitong halos wala naman talagang nagawa si Del Rosario para sa kanyang mga nasasakupan sa 1st District.

“Transferring to another political party will not make up for his failure to serve the people,” wika ni Lagdameo. “In fact, we at UNA-Makati have been working together to compensate for his inaction.”

Ganunpaman, iginagalang umano nila ang naging desisyon ng congressman.

“Joining another party is his personal decision. We respect this. Ultimately, we will all be judged by the people of Makati,” ani Lagdameo.

Samantala, ayon naman sa ulat ng Inquirer, sinabi umano ni Del Rosario na lumipat siya sa PDP-Laban matapos malaman mula kay Mayor Abby Binay na hindi na siya kasali sa tiket ng UNA sa darating na halalan sa 2019.

Fact-checked against the following source(s) :

Inquirer, Makati Govt, Politiko

Loading...