Mala-“Tarzan” na photo ni Gerald Anderson, nagpapahiwatig ng kanyang upcoming movie?

Mga larawan mula sa Instagram account ni Gerald Anderson at Star Cinema

Viral sa social media ang larawan ng aktor na si Gerald Anderson na tila siya’y isang “Tarzan”, bilang bahagi ng kanyang role sa upcoming movie niyang My Perfect You katambal sa kauna-unahang pagkakataon  si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, sa ilalim ng Star Cinema.

 

You can’t just sit there and wait for people to give you that golden dream. You’ve got to get out there and make it happen for yourself… #burn #starcinema #myperfectyou

Nagsimula ang kanilang shooting sa Masinloc, Zambales noong Enero 2018 subalit wala pang detalye kung kailan ang target date ng pagpapalabas nito.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News sa batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina noong Enero 25, 2018, wala siyang inaasahang “biglaang chemistry” sa dalawa.

“I want to take it as it comes. Every day, as we work together, doon ko lang makikilala kung sino sila. Every character is a work in progress. When we go along, that’s when we see the magic. It just comes out, naturally, in time.”

Narito ang ilan pang pasilip sa upcoming movie na My Perfect You:

Loading...