Safety First: Mala- Gordon Hayward na injury ng isang lalaki natamo sa pagba-basketball

Image capture from Alexander Gomos Ford video via Facebook/Caner Kocabıyık You Tube

Malapit sa puso ng mga Pinoy ang paglalaro ng basketball.  Saan ka man magtungo ay kabilaan ang mga basketball court.

Sa paglalaro ng basketball ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng injury. May mga pagkakataon pang ang injury ay dahil lamang sa hindi paggamit ng angkop na kasuotan…gaya ng rubber shoes.

Nag-viral sa social media ngayon ang isang lalaki na nagtamo ng matinding injury dahil sa paglalaro ng basketball.

Sa Facebook post ni Alexander Gomos Ford, ibinahagi nito ang video ng lalaki sa Tubod, Lanao Del Norte na nagtamo ng matinding injury dahil sa hindi nito pagsusuot ng sapatos habang naglalaro.

Ayon kay Ford katulad ito ng injury na tinamo ni Boston Celtics forward Gordon Hayward noong Oktubre.

Matatandaang si Hayward ay nagtamo ng gruesome ankle injury sa pagsisimula pa lamang ng 2018 NBA season. Career threatening na maituturing ang kanyang injury.

Paalala naman ni Ford na laging magsuot ng sapatos kapag naglalaro ng basketball.

 

Loading...