Mga eksperto nababahala: Pilipinas, napag-iiwanan na nga ba sa pagsasalita ng Ingles?

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN

Bukod sa pagiging mga masayahin at palangiti kahit na may problema, kilala rin ang mga Pilipino na matatas sa pagsasalita ng wikang Ingles. Sa katunayan, ang English ay isa sa dalawang opisyal na wika sa bansa na ginagamit sa komunikasyon at sa pagtuturo.

Ngunit sa resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng Hopkins International Partners noong nakaraang taon, tila bumababa na ang pamantayan ng mga Pilipino sa pagsasalita ng wikang Ingles. Naungusan na umano tayo ng Thailand at Vietnam.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ang average score na nakuha ng 10,000 Filipino college seniors sa Luzon sa Test of English for International Communication (TOEIC), isang English proficiency test, ay B1 na katumbas lamang ng target passing score para sa mga Vietnamese at Thai high school graduates.

Nabahala ang mga eksperto sa resulta ng pag-aaral, lalo na’t nakatakdang mag-“automate” ang ilang industriya sa bansa kabilang na ang Business Process Outsourcing o mga call centers.

Pinag-aaralan naman ng Commission on Higher Education na rebisahin ang mga curriculum para sa mga college students upang lalong mapagbuti ang kalidad ng mga Filipino degree holders.

 

Loading...