MMDA enforcers na navideohan, may paglabag nga ba sa paggamit ng motor na walang side mirror, naka-pipe at kargado?

Image capture from Jeffrey Lugo Diego Facebook account

Malaki ang ginagampanan ng mga Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kaayusan ng ating trapiko sa lansangan.

Kaya naman bilang tagapagpatupad ng batas ay inaasahan natin na sila mismo ay susunod sa batas na kanilang ipinatutupad. Ngunit paano kaya kung sila mismo ang lumabag dito?

Nag-viral ngayon sa social media ang mga MMDA enforcer dahil sa kanilang pagiging tila pasaway sa kalsada.

Sa Facebook post ni Jeffrey Lugo Diego, ibinahagi nito ang video ng dalawang enforcer na nakasakay sa motor na tila tinutuya pa ang nagvi-video sa mga paglabag na binabanggit nito.

Nakatawag pansin umano kay Diego ang mga enforcer dahil ang gamit nilang motor ay walang side mirror, naka-pipe at kargado.

Sa halip na umiwas ang mga enforcer ay tila hayagan pa nitong ibinahagi ang paglabag sa motor na kanilang gamit, kaya naman maraming mga netizens ang nadismaya at nagalit sa inasal na ito ng mga enforcer.

May paglabag nga ba?

Ngunit hindi naman malinaw kung pag-aari nga ng mga enforcer ang naturang motorsiklo. Sa ilang post ng mga netizen ay sinasabi na posible umanong na-impound ang motor at alam ng mga awtoridad ang kanilang ginagawa kaya ganoon na lamang ang kanilang reaksiyon sa video.

Pano kung impound pala yang motor? Masyado kayong ma dada di nyo naman alam storya. Alam naman nilang may video kung kanila talaga yang motor di nila papansinin yang nag video aalis nalang yan kasi sila din malilintikan pero parang nang asar pa db ibig sabihin malakas loob nila kase siguro may laban sila ewan ko lang din pero para sakin kung alam nilang mali sila at may video titiklop mga yan.”

Samantala, bukas ang pahinang ito sa panig ng mga enforcers na nakuhanan ng video.

Source :

Facebook

Loading...