“My heart is full of joy!” Jona Viray, dream come true na makasama sa concert si Gary V

Mga larawan mula sa Instagram account ni Jona Viray

Sumikat, namayagpag at lalong kinilala ang kahusayan ng singer na si Jona Viray simula nang siya’y lumipat sa ABS-CBN Kapamilya Network dahil sa kaliwa’t kanang singing engagement, tv appearances, at iba pang proyekto habang nakikipagsabayan sa iba pang magagaling na singers at artists sa industriya.

Walang dapat pagsisihan ang singer sa kanyang pag-oober da bakod mula sa dating home network lalo na’t nakakasama niya sa entablado at show ang mahuhusay na singers sa bansa, katulad ni Pure Energy Gary Valenciano.

Dream come true para kay Jona ang maka-duet sa entablado si Gary lalo’t ginawa pa siyang special guest sa naging concert nitong Gary V: Love in Motion noong Pebrero 14, 2018 kasabay ng Valentine’s Day.

Ipinahayag ni Jona ang kanyang kasiyahan sa kanyang Instagram account.

Still can’t believe I’m this close to a great artist&human being😂😂😂 Sinasabi ko lang po talaga ito dati na dream kong makasama at makaduet sa stage si Sir Gary V!! Yesterday it happened on @asapofficial where we sang a Frank Sinatra classic “My Funny Valentine”, and this will happen again on Wednesday, February 14 for his Valentine Concert #GaryVLoveInMotion2018 at Shangrila BGC😊😊😊 Thank you God for making this dream come true…

Kapansin-pansin din na lalong humusay  sa pag-awit ni Jona gayundin ang pag-bloom ng kanyang physical appearance dahil sa training at pag-aalaga sa kanya ng Star Magic.

Regular na mapapanood si Jona Viray sa longest-running musical variety show na ASAP tuwing linggo ng tanghali.

Loading...