Pagkakaayos nina Robin at Aljur, dahil kay Mariel

Mga imahe mula sa Instagram account ni @marieltpadilla

Ang aktres na si Mariel Padilla raw ang naging tulay upang tuluyang magkaayos ang kanyang mister na si Robin Padilla at ang aktor na si Aljur Abrenica.

Sa Instagram, sinabi ni Robin kay Mariel na ito ang naging tulay upang maging maayos ang lahat.

Nag-post noon si Mariel ng ilang mga larawan na kuha sa get-together ng pamilya, na siya rin naging pamamanhikan ni Aljur.

“Because FAMILY is everything,” ani Mariel sa caption.

Because FAMILY is EVERYTHING 💕💕💕

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Nag-iwan naman ng komento si Robin sa post ng asawa at nagpasalamat sa effort na ginawa nito upang maayos ang lahat.

“Ikaw ang naging tulay @marieltpadilla, maraming salamat at hindi ka nagsawa,” wika ni Robin.

Untitled

Nagpasalamat din kay Mariel si Kylie.

Untitled

Narito ang ilang video clips na ibinahagi ni Pretty Bella sa YouTube kaugnay ng pamamanhikan ni Aljur kina Kylie:

Loading...