Pang. Duterte, nag-utos ng crackdown laban sa mga illegal recruiters

Image from PCOO

Kasunod ng pagkakadiskubre sa kakila-kilabot na kamatayan ng isang Pilipinang kasambahay sa Kuwait at ilang iba pang overseas Filipino workers (OFW) doon na nagpatiwakal dahil sa sinapit na pang-aabuso, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsugpo sa mga illegal recruiters.

Ayon sa ulat ng Philstar, nais umano ng Pangulo na arestuhin, ikulong at pagbayarin ang mga illegal recruiters na nagpapadala ng mga undocumented OFWs sa ibayong-dagat. Binalaan din niya ang mga kawani ng gobyerno na nakikipagsabwatan sa mga ito.

Inatasan ng Pangulo ang mga ahensiya kabilang ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Philippine Coast Guard at Bureau of Immigration, higit sa lahat ang mga nakatalaga sa mga pantalan at paliparan na matyagan ang ilegal na pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa.

Binalaan din ng Pangulo ang mga tauhan ng Bureau of Immigration at Bureau of Customs na itigil na ang pagbubukas ng mga bagahe ng mga OFW sa mga airport.

Loading...