Pangulong Duterte, nilagdaan ang batas na magbibigay ng libreng irigasyon sa mga magsasaka

Imahe mula sa President Rodrigo Duterte Facebook page

Nilagdaan na kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas magbibigay ng libreng irigasyon sa mga maliliit na magsasaka sa bansa.

Ang isang magsasakang mayroong walong hektaryang sakahan o mas kaunti pa ay hindi na kailangang magbayad ng irigasyon. Ito ang nakapaloob sa Republic Act No. 10 969 o Free Irrigation Service Act na nilagdaan ng pangulo.

Batay sa ulat ni Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin, ang batas na ito ay pinapalampas na rin ang dating utang ng mga maliliit na magsasaka.

“The State shall also ensure that vital support services are made available, particularly irrigation service, through the continued construction, repair and maintenance of necessary irrigation facilities, to increase production of agricultural crops, encourage productivity, and increase the incomes of farmers,” nakasaad sa RA No. 10969.

[Sisiguraduhin ng Estado ang mga kinakailangan suporta ay maibibigay lalo na sa pagbibigay ng serbisyo ng irigasyon sa pamamagitan ng patuloy na pagtatayo, pagsasaayos ng mga kinakailangan sa pasilidad ng irigasyon, upang ang produksyon sa agrikultura ay mas dumami, mahikayat ang pagiging aktibo, at maitaas ang kita ng mga magsasaka.]

Batay sa RA 10969, ang National Irrigation Administration ay magpapatuloy sa pagpapatakbo at pagsasaayos ng national irrigation systems.

Loading...