Pangunahing suspek sa pagkamatay ng OFW na natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait, ******** na

Imahe mula sa Arab News

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ng Lebanon ang pangunahing suspek sa pagkamatay ng OFW na si i Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes ng gabi.

Saad ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na si Nader Essam Assaf, ang naging amo ni Demafelis na isang Lebanese national, ay naaresto noong Huwebes kasunod ng malawakang manhunt ng Interpol.

Si Assaf at ang asawa nitong Syrian na si Mona ang mga pangunahing suspek sa pag-torture at pagpatay sa 29-anyos nilang kasambahay na mahigit isang taon nang napaulat na nawawala. Ang misis ni Assaf ay hindi pa natatagpuan ngunit pinaniniwalaang ito’y nagtatago sa Syria.

Samantala, nagkataon namang ang araw ng pagdalaw ni Pangulong Duterte ang siya ring araw na naaresto ang suspek. Naipabatid agad sa Pangulo ang pagkakahuli sa Lebanese.

“The President welcomes the news that Nader Essam Assaf is now in the hands of authorities in Lebanon,” saad ni Cayetano. Dagdag pa niya na ang pagkakaaresto kay Assaf ay isang kritikal na hakbang sa paghahanap ng hustisya para kay Demafelis.

“We are thankful to our friends in Kuwait and Lebanon for their assistance,” ani Cayetano.

Naiuwi na noong Biyernes, ika-16 ng Pebrero, ang mga labi ng sinawimpalad na OFW at bumuhos ang pakikiramay at assistance para sa kanyang pamilya.

Ang kaso ni Demafelis at ng ilan pang mga OFWs na nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga employers sa Kuwait ang nagtulak kay Pangulong Duterte na magdeklara ng total deployment ban ng mga Pilipinong manggagawa sa nasabing Gulf state.

Loading...