Panoorin: Mga Elepanteng marunong tumugtog ng silindro

Image capture of video by Smithsonian's National Zoo via YouTube/Twitter

Isang pambihirang kakayahan ang ipinamalas ng isang elepante sa India – marunong itong tumugtog ng harmonica o silindro.

Sa isang video na ibinahagi sa Twitter account ng Indian news agency na ANI, makikita ang dambuhalang si Andaal, isang temple elephant na inaalagaan sa isang rejuvenation camp para sa mga elepante, na nagpakitang-gilas sa pag-ihip ng silindro.

Sa nasabing video na kuha umano ng isang turista na bumisita sa rejuvenation camp, makikitang kasama ni Andaal ang isang lalaki na pinaniniwalaang “mahout” o elephant trainer. Ito ang na nag-abot ng silindro sa elepante na agad naman nitong pinatunog.

Si Andaal ay paborito umano ng mga turista, lalung-lalo na ng mga bata, dahil sa mahigit tatlumpung elepante na inaalagaan sa rejuvenation camp, ay siya lang daw ang marunong tumugtog ng silindro.

Nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang ilang nagkomento sa Twitter sa kalagayan ni Andaal. Posible umanong nakararanas ito ng pang-aabuso mula sa handler nito para lamang tumugtog ng harmonika.

May nagpatunay naman na walang pang-aabusong nagaganap dahil si Andaal ay isa umanong temple elephant at hindi ginagamit sa circus. Ang  mga elepanteng tulad ni Andaal ay “diyos” raw kung tratuhin.

 

Samantala, noong 2012 ay sumikat rin ang isang Asian na elepante sa Smithsonian’s National Zoo na si Shanti na noo’y 36-anyos umano. Ilan sa mga nakakatuwaan nitong patunugin ay ang silindro at torotot.

 

Source :

Twitter, RMN, NDTV, YouTube

Loading...