‘Paperless policy’, ipinatupad sa Makati City Hall

Imahe buhat sa Makati City Facebook page

Ipinagbawal na ang paggamit ng papel sa Makati City Hall kamakailan alinsunod sa bagong resolusyon ng Sangguniang Panlungsod.

Layunin ng bagong patakaran na bawasan ang paggamit ng papel sa mga opisina ng city hall upang makatulong sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa isang artikulo ng Manila Bulletin, hinikayat ni Mayor Abigail Binay ang mga empleyedo ng siyudad na suportahan ang bagong patakaran — City Council Resolution no. 2018-007 or the “Paperless Policy.”

Isa rin itong paraan, ani Binay, upang mabawasan ang konsumo sa papel at pag-iimprenta.

Saad ni Binay, malaking tulong ang bagong patakaran para sa layunin ng lungsod na palawigin ang paggamit ng teknolohiya.

Katunayan, ipinag-utos na rin ng alkalde ang pagbili ng mga laptop computers para sa mga empleyado ng city hall.

Ang “Paperless Policy” ay inindorso ni Vice Mayor Monique Lagdameo, ayon kat Binay.

Noong nakaraang taon, pinangunahan din ni Lagdameo ang unang “paperless session” ng sangguniang panlungsod kung saan lahat ng miyembro ay gumamit ng laptop computers.

Lahat ng pinuno ng bawat opisina at departamento sa siyudad ay hinihikayat na sumunod sa patakaran.

Loading...