‘Parang pang-movie!’ Poster ng bagong teleserye ng LizQuen, nag-trending

Mga imahe mula sa Twitter accounts ng Star Creatives TV at Team Kapamilya

Nag-trending sa Twitter ang poster ng upcoming LizQuen teleserye na Bagani dahil sa pagkakadisenyo nito na para bang poster ng isang pelikula.

Sa ganap na ika-10 ng gabi, kung kailan inilabas na ang opisyal na poster ng Bagani, ay naging top 2 sa listahan ng trending topics ang official hashtag nito na “#BaganiPoster1Reveal“.

Imahe mula sa Twitter
Imahe mula sa Twitter

Ikinatuwa ng marami ang poster ng Bagani — na magtatampok sa popular na tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil — dahil para raw itong sa pelikula at hindi sa isang simpleng teleserye. Mayroon ding mga na-excite lalo dahil dito.

“I’M SO SHOOKT! OMG, IT LOOKS LIKE A MOVIE POSTER! WOW! ENRIQUE GIL! I AM SO EXCITED FOR YOUR NEW SERIES! I LOVE IT SO MUCH! I’M EXCITED TO MEET LAKAS!” all caps pang sabi ni KG.

[Sobrang nagulat ako! Parang movie poster! Enrique Gil! Sobrang nasasabik na ako sa bago ninyong series! Gustung-gusto ko ‘to! Gustung-gusto ko na makilala si Lakas!]

“Ang ganda-ganda ng poster ng Bagani! So happy with this. I think this might be my most favorite serye/movie poster ng LizQuen,” ani J.

[Ang ganda-ganda ng poster ng Bagani! Sobra akong natutuwa rito. Sa tingin ko ito na ang magiging pinakapaborito kong poster ng serye o pelikula ng LizQuen.]

“Ang ganda, world class! Maraming salamat sa pagmamahal sa LQ!” wika ni IG.

“THANK YOU PO!! Napakaganda! Mas lalo po kaming na excite mapanood ang Bagani!” kumento ni B.

Narito ang official movie poster ng Bagani:

Narito naman ang trailer nito:

Source :

Twitter, YouTube

Loading...