Payo ni Claudine kay Erich na gaganap bilang triplets: Stay sane

Mga imahe mula sa Facebook pages ng Kapamilya Online World at Erich Gonzales

Binigyan ng payo ng Optimum Star na si Claudine Barretto ang aktres na si Erich Gonzales, na gaganap bilang triplets sa bagong teleserye ng ABS-CBN na The Blood Sisters.

Ayon sa PEP, isa sa mga hiningian ni Gonzales ng payo ay si Barretto, na gumanap na rin noong bilang triplets sa 1999 Kapamilya series na Saan Ka Man Naroroon.

“I talked to Mama Pretty, I call her Mama Pretty, si Ate Claudine.

In one of our dinners, nakuwento lang niya na, ‘O, exciting ito but make sure, ‘wag mong kalimutan, stay sane. ‘Wag mo masyadong i-push ang sarili mo, you feel like na ‘di mo na ito kayang gawin,'” kuwento ni Gonzales.

Aminado ang aktres na hindi madali para sa kanya ang gumanap sa tatlong karakter sa iisang serye, kaya naman talagang tatandaan niya raw ang payo ni Barretto.

“Hindi madali itong Blood Sisters, talagang importante na hindi ako masiraan ng bait,” wika niya.

Saad ni Gonzales, tulad ng bilin pa ni Barretto, kahit mahirap ay sisikapin niyang gampanan ang bawat papel. Talaga raw mahirap, lalo sa mga eksenang, magkakasama silang tatlo; kung saan ang lahat ay papalitan, damit, make up, at kailangan alam din ang klase ng puso ng bawat character.

“Kumbaga, ito ‘yung dream project so talagang wala tayong ititira para sa sarili natin, give your all. Nag-shoot kami no’n sa Baguio… lahat ng scenes namin, super intense talaga. To the point na ‘yong veins ko, feel ko puputok na anytime, parang aatakihin ako sa puso. Naka-stand by ‘yong ambulance,” kuwento niya.

Nakikita rin daw ni Gonzales ang sarili sa tatlong karakter na ginagampanan niya.

“Sa tingin ko may Erika in me, may Agatha, and Carrie. Just like Erika, willing siyang gawin ang lahat para sa mga taong mahal niya. Si Carrie naman, she’s very passionate with her craft and gano’n din naman tayo pagdating sa trabaho natin. Si Agatha, ‘yong pagiging go-getter niya, ‘pag may gusto ka, gagawa ka ng paraan para makuha mo ‘yon. Kung ‘di maibibigay, you’ll create something, kung anuman ‘yon para makuha,” pahayag niya.

Mapapanood na ang serye sa ABS-CBN sa darating na Lunes, February 12.

Throwback. Narito ang final episode ng Saan Ka Man Naroroon:

Soon. Narito ang trailer ng The Blood Sisters:

Loading...