Pia Ranada ng Rappler, tinawag na “brat” ng GMA screenwriter dahil sa pang-intimidate umano sa PSG officer

Imahe kuha mula sa video ng Philippine Shocking History

Sa pamamagitan ng mga tweet, pinuna ni Suzette Doctolero, kilalang screenwriter, series creator at creative consultant ng GMA Network, ang diumano’y pang-iintimidate na ginawa ni Pia Ranada, reporter ng Rappler, sa isang officer ng Presidential Security Group (PSG).

“Ang brat ni Pia (Rappler reporter) doon sa video na ini intimidate niya yung PSG officer. May video kasi kaya may kasamang acting. Tse!,” sabi ni Doctolero sa kanyang tweet.

Tweet ni Doctolero2

Ang posts ni Doctolero sa Twitter ay patungkol sa ginawang pag-video ni Ranada sa PSG personnel na si Corporal Marc Anthony Cempron at sa paulit-ulit na pagtatanong kung bakit hindi siya nito pinapasok kahit na sinabi na utos iyon mula sa nakatataas.

Tinawag rin ni Doctolero na “basura” ang Rappler na nagpapakalat din ng “fake news.”

Magkagayunpaman, kahit umano naiinis siya sa istilo ng journalism ng Rappler, hindi naman daw dapat ito i-ban sa Malacañang.

“Basura ang Rappler and yes purveyor din ng fake news pero demokrasya tayo kaya may karapatan pa rin silang magreport at magsulat kaya di ako pabor na iban sila sa Malacanang (kahit na nakakainis na ang irresponsible at biased journalism nila),” sabi pa ng screenwriter sa kanyang tweet.

Tweet ni Doctolero

 

 

Loading...