Pinay na nawawala matapos ang lindol sa Taiwan, natagpuan na

Image by Ian Bremmer via Facebook

[Updated] MAYNILA, Pilipinas – Natagpuan na ang Filipina na napaulat na nawawala matapos ang magnitude 6.4 sa Taiwan nitong Miyerkules, ika-7 ng Pebrero.

Kinilala ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan ang OFW na si Melody Albano De Castro, 28-anyos, tubong Abulug, Cagayan at isang caretaker na nakatira sa gusaling gumuho sa distrito ng Hualien dahil sa pagyanig.

Ang Pinay, na mag-aanim na taon nang nagtatrabaho sa Taiwan, ay nadaganan umano ng malaking kabinet kaya’t hindi na nakatakbo palabas ng gusali, ayon sa mga ulat.

Mahigit sa 250 ang nasugatan sa lindol habang 6 naman ang kumpirmadong ***** kasama na ang 2 empleyado ng nagibang Marshall Hotel.

Sa kasalukuyan, hindi pa tukoy ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang eksaktong bilang ng mga Pinoy sa Taiwan na naapektuhan ng lindol.

Subalit nagpadal na umano ng team mula sa MECO sa Taipei na pinangungunahan ni Labor Attache Atty. Cesar Chavez sa Hualien para personal na pangasiwaan ang pag-aasikaso sa mga Pilipinong naapektuhan ng trahedya doon.

Fact-checked against the following source(s) :

Bombo Radyo, Jerminix, DZRH News, ABS CBN

Loading...