Pinay nawawala sa naganap na lindol sa Taiwan

Image by Ian Bremmer via Facebook

TAIPEI, Taiwan  –  Patuloy pa ring hinahanap ang isang Filipina caretaker na napaulat na nawawala matapos yanigin ng magnitude 6.4 na lindol ang Taiwan nitong Miyerkules, ika-7 ng Pebrero.

Mismong si Lito Banayo, chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan, ang nagkupirma na ang Filipina ay isa sa tinatayang 60 katao na hindi pa rin matagpuan.

“Initial on-site report is that there is a Filipina caretaker in one of the buildings, is still missing. So they’re still searching in the area,” ani Banayo sa panayam ng ABS-CBN News.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagpadala na sila ng team mula sa MECO sa Taipei na pinangungunahan ni Labor Attache Atty. Cesar Chavez sa Hulien para personal na pangasiwaan ang pag-aasikaso sa mga Pilipinong naapektuhan ng trahedya.

Sa pinakahuling ulat ng Taiwan News Agency, umabot na sa 6 katao ang nasawi sa lindol habang 225 naman ag sugatan.

Kabilang sa namatay ang 2 empleyado ng Marshall Hotel sa Hualien District na gumuho dahil sa pagyanig.

Kaagad namang tumungo sa mga naapektuhang lugar ang Pangulo ng Taiwan na si Tsai Ing-wen para tingnan ang pinsalang idinulot ng lindol at kumustahin ang kalagayan ng mga mamamayan doon.

“The President has asked the cabinet and related ministries to immediately launch the ‘disaster mechanism’ and to work at the fastest rate on disaster relief work,” anang pahayag na inilabas ng opisina ni Mr. Tsai.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS-CBN News, Rappler, Rappler, abc.net

Loading...