Pinoy actor, sikat na sikat ngayon sa Indonesia; parte ng Meteor Garden version ng bansa

Mga imahe mula sa Instagram account ni @teejaymarquez

Isang magandang kapalaran ang natagpuan ng aktor na si Teejay Marquez sa Indonesia, kung saan siya ay  gumaganap ngayon sa Meteor Garden version ng bansa.

Sa eksklusibong panayam sa PEP, sinabi ni Marquez na hindi pa siya makagawa ngayon ng proyekto sa Pilipinas  dahil kasalukuyan siyang may ginagawang teleserye sa Indonesia, ang Siapa Takut Jatuh Cinta [Who’s Afraid To Fall In Love?].  Ang teleseryeng ito ang Indonesian version ng Meteor Garden, na tinagalog at na sikat na sikat sa Pilipinas noong early 2000s.

Kuwento ni Marquez, gagawa dapat siya ng pelikula sa Pilipinas ngunit hindi talaga kaya ng schedule niya dahil sikat na sikat din ang nasabing programa, na nagsimulang umere noong Nobyember 2017 sa Indonesia.

“Dapat gagawa na ‘ko ng film sa Regal kaso ‘di ako makauwi dahil sa serye. Number 1 din kasi ‘yong show dito kaya medyo hindi makahanap ng free time,” aniya.

Hindi pa raw batid ng aktor kung kailan matatapos ang show dahil mataas daw ang ratings nito. Gayunman, siniguro niya na babalik siya sa bansa pakatapos ng teleseryeng kinabibilangan niya.

“Tapusin ko lang ‘tong teleserye ko dito tapos babalik na ng Pilipinas,” wika niya.

See You! 🤩

A post shared by @ teejaymarquez on

Taong 2011 noong nagsimulang mag-artista si Marquez sa GMA. Pagkalipas ng apat ng taon ay lumipat siya sa ABS-CBN.

Noong 2016, naging big hit siya sa Indonesia dahil sa kanyang dubsmash videos na pumatok sa napakaraming mga kabataan sa Indonesia. Dahil dito, naimbitahan siyang gumawa ng mga proyekto roon.

Happiness is only real when shared 🤗

A post shared by @ teejaymarquez on

Narito ang unang meet and greet experience ni Marquez sa Indonesia, kung saan labis niyang napasaya ang kanyang mga fan at mayroon pang hinimatay sa sobrang saya na sa wakas ay nakita na niya ang idolo:

Loading...