Posibilidad sa pagpapatupad ng ‘citizens arrest’ ng mga traffic enforcer laban sa mga  mananakit na motorista, pinag-aaralan na

Image capture from Gadget Addict video via Facebook

Pinag-aaralan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang posibilidad sa pagpapatupad sa kanilang mga traffic constable ng ‘citizens arrest’ sa oras na may manakit na sibilyan na kanilang sinisita sa paglabag sa batas trapiko.

Ito ay kasunod ng ginawang pag-atake kamakailan ng isang babaeng backrider sa isang traffic constable na dalawang ulit nilang tiniketan dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Paliwanag ng babae kaya hindi niya suot ang helmet ay dahil nakalagay doon ang ulam na mechado at sinigang na kanilang binili.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, na pinayuhan na sila ng kanilang legal affairs division sa posibilidad na pagpapatupad ng  ‘citizens arrest’ sa isang pribadong indibidwal kung mananakit ang mga ito ng traffic constable.

Sa ilalim ng Revised Penal Code ang mga sumusunod ay krimen laban sa mga persons of authority at kanilang agents:

  • direct assault
  • indirect assault
  • resistance and disobedience
  • disobedience to summons of Congress at constitutional commissions

Gayunman bukas din sila sa posibilidad na abusuhin ng mga enforcer ang proseso kaya’t ito’y kanilang pag-aaralang mabuti.

Wika pa ni Nebrija, balak nilang humiling ng karagdagang impormasyon kung paano ang mga maaari at hindi maaaring gawin sa pagpapairal ng ‘citizens arrest’ upang hindi sila mabaligtad ng mga lumalabag sa batas trapiko kalaunan.

Loading...