#PrayerforBoybits: Ex-PBA player Boybits Victoria naka-confine ngayon sa ospital dahil sa pambihirang disorder

Image capture from Boybits Victoria Facebook account/Public domain

Humihiling ngayon ng panalangin at suporta ang pamilya ni dating PBA player Boybits Victoria matapos ma-diagnose ng pambihirang sakit na autoimmune disorder na posibleng mauwi sa pagkalumpo o paralysis.

Ayon sa ulat ng Spin, kasalukuyang naka-confine sa Intensive Care Unit (ICU) ng San Juan De Dios hospital si Victoria.

Ayon kay Bing, kapatid ni Victoria, ang kapatid ay dumaranas ng Guillain-Barre Syndrome (GBS), isang bihira ngunit seryosong autoimmune disorder, kung saan inaatake ng immune system ang malulusog na nerve cells sa peripheral nervous system, na nagreresulta sa panghihina at pagiging manhid ng katawan.

Sa ngayon ay may nakakabit umanong ventilator/respirator kay Victoria  upang  makatulong sa paghinga nito, salaysay pa ni Bing.

He is still in the critical stage and your prayers, combined with our prayers will help reach God’s loving mercy and healing towards Boybits,” dagdag pa niya.

Si Victoria, 45, ay nagwagi bilang Rookie of the Year noong 1994 makaraan ang impresibong college career sa San Beda.

Siya ay third overall ng  Swift sa draft sa parehong PBA season.

Naglaro rin siya sa RFM franchise hanggang 1998 hanggang sa ma-trade siya sa San Miguel, kung saan siya’y   back-up ng ngayo’y  FEU coach at Barangay Ginebra assistant coach na si Olsen Racela.

Fact-checked against the following source(s) :

Spin, ABS CBN, Abante

Loading...